Wednesday, July 28, 2010

Homesick o HomeSEKS?

Ako, natutuyo lang ang isip dahil walang anumang pressure sa trabaho samantalang sila, natutuyo ang pawis sa pagal na katawan kasabay ng pagkatuyo ng dignidad na patuloy na minamaliit at pinagsasamantalahan ng mga mas nakaaangat.”---bogs

abababababababab

Ano bang iisipin ko? Ah oo. Mag-iisip ako ng susunod na blog. E, anong sunod kong isusulat? Bahala na. Basta ang alam ko, ilang araw na rin ang lumipas mula ng matapos ko ang aking pinaka-latest na blog. [buntong hininga sabay halumbaba-----hirap nga pala magsulat!]. Hindi basta isang simpleng gawain lang na kapag may simpleng procedure ay magagawa mo na. Ang pagsusulat---walang pinipiling panahon at pagkakataon. Pabigla-bigla. Walang pasabi. Parang ulan---hindi mo mawari kung kailan hihinahon at titila. Parang buhay---hindi mo alam kung kailan ka nasa ilalim—kung kailan ka nasa ibabaw. Pero ang laging sigurado---may araw na sisikat sa umaga at magsisilbing liwanag sa mga nagdidilim na bahagi ng ating buhay.

abababababababab

Kahapon, umabot sa mahigit singkwenta ang temperatura dito sa Middle East. Ramdam na ramdam ko ang bawat kagat ng hangin sa aking balat kahit na ilang minuto pa lang akong nasa labas ng opisina. Naisip ko lang, paano kaya kinakaya ng mga laborers ang kanilang trabaho na mas lalong pinabibigat ng mala-impyernong init ng panahon? Marami sa hanay nila ay mga Indiano at Pakistano. May ilang Pinoy pero ang sigurado lahat sila ay pangkaraniwang tao na may pangkaraniwang balat at kasabay ko’y pare pareho naming nararamdaman ang kakaibang init dito sa Disyerto. 600 na dirhamo ang karaniwang sahod ng mga manggagawang tulad nila. Pumapatak sa 7,000 piso ang katumbas kung ico-convert sa Philippine Peso sa loob ng isang buwan. Hindi ko alam kung makatarungan pero patuloy nilang tinitiis at pinagtitiyagaan sa iba’t-ibang kadahilanan. Na-guilty na naman ako, mga blogreaders. Kung nabasa ninyo ang mga nauna kong blogs, nagsesentimyento ako dahil sa uri ng trabahong meron ako. Naisip ko, dapat pa pala akong magpasalamat. “Ako, natutuyo lang ang isip dahil walang anumang pressure sa trabaho samantalang sila, natutuyo ang pawis sa pagal na katawan kasabay ng pagkatuyo ng dignidad na patuloy na minamaliit at pinagsasamantalahan ng mga mas nakaaangat.”

abababababababab

Homesick? HomeSEKS? Ano nga ba? Gaano nga ba kahalaga ang seks sa buhay ng tao lalong lalo na sa buhay ng mga OFWs? Marami na akong nakausap na mga Pinoy ukol sa sensitibong bagay na ito. “Kesyo nakaka homesick daw kase”. “Kesyo nakaka-miss daw kase ang mga asawa at syota nila”. “Kesyo masarap daw kase”. Totoo kaya ‘yun?O, patuloy lang silang nililinlang ng demonyo? A demonic intuition na nagpapataas sa libido ng mga tao upang gumawa ng mga bagay na hindi kaaya aya sa mata ng tao at sa mata ng Diyos. Marami ng nagkamali dahil sa kalibugan (act of lust or lasciviousness) [no offense meant for the usage of this word] . Isang halimbawa, isang lalaki, may asawa at mga anak sa Pilipinas—nakabuntis ng kapwa OFW, ang resulta, nagbunga ng isang batang walang kamuwang muwang. Dalawa lang ang magiging opsyon ng babaeng OFW kung sakaling siya ay mabuntis. Una, umuwi sa Pilipinas, mawalan ng trabaho, ipaliwanag ang nangyari sa pamilya at tanggapin ang kahihiyan. Pangalawa, ipalaglag ang bata, ipagpatuloy ang pagtatrabaho at muling gawin ang kasalanan. Maraming mga ganyang kaso dito sa Middle East at hindi malayong maging sa iba pang mga bansa. May sari-sarili daw silang kwento. May sari-sarili daw silang dahilan. Pero ano pa man ang mga dahilang iyon, hindi ako kumbinsido sa mga gawaing tulad nito---gawaing baluktot at gawaing walang sapat na rason---larawan ng kataksilan at kahinaan.

abababababababab

Sinong nakapanood na ng kauna-unahang SONA ni Pangulong Aquino? Don sa mga hindi pa, better watch it right here http://triviabizonline.blogspot.com/p/sona-aquino.html. I am not a politician critic pero ang simpatya ko ay hindi madaling makuha. Sinseridad ang malimit kong pinagbabasehan sa pagkilatis sa lahat ng taong kilala at nakakasalamuha ko. Madaling maniwala sa mga sinabi nya. We’ll, no kidding aside, mas malaking porsyento ng konsensya ko ang naniniwalang may katotohanan ang mga sinabi nya dahil ito ang sinasabi ng konsensya at puso ko. Nakita ko ang sinseridad niya hindi bilang isang Pangulo kundi bilang isang tao. Kung totoo man ang mga sinabi nya (only if I could’ve the chance to conduct my own concrete investigations, lolz!) aba e mahiya naman talaga ang mga gumawa niyan. Hindi nyo ba alam na maraming mga maralitang Pilipino ang nagbabayad dahil sa inyong kasakiman? Hindi nyo ba alam na ang ugat ng pagiging mga mandarayuhan (OFW) namin ay ang inyong kalapastanganan sa kaban ng bayan? Ang Pilipinas ay hindi para sa mga pangarap nyo lamang. Ang Pilipinas ay hindi lamang bayan ninyo---bayan din namin, bayan nating lahat. Sana, mawakasan na ang bawat pagsasamantala sa mga Pilipinong umaasa ng lubos sa kanilang mga tagapamuno. Nagtiwala sa panahon ng eleksyon dahil nangangarap sila na isang araw ay bigla na lang mag-iiba ang ihip ng hangin---na isang araw, wala ng Pilipinong mahirap---na isang araw, wala ng OFW------na isang araw, wala ng pangarap ang hindi kayang tuparin.

Kasihan nawa tayo ng Poong Maykapal.

Tuesday, July 27, 2010

Countries with Most Facebook Users - A Perfect Glimpse

Adoption of Facebook in the Philippines has grown exponentially over the last 12 months. The Yahoo!-Nielsen Net Index for 2010, Facebook users grew from 4% in 2009 to 83% this year.

Facebook announced last week that it has reached 500 Million users. But it’s not only in the Philippines that Facebook is getting huge adoption rates.

The Guardian UK has posted a list of countries and the percentage of penetration for each.

Hong Kong took the top spot at 49% of the population, followed by Canada and the United Kingdom. Interesting to note that Chile is at 41% and Turkey at 31%. The Philippines is a bit way down there at 16%.

Overtone - Colorblind (Invictus OST)

Wednesday, July 21, 2010

Dance With My Father - Luther Vandross (Lyrics)

Pagpupugay sa mga Dakilang OFWs

"Pero napakasimple at napakapayak ng istorya at hindi malayong maabot ng inyong puso ang bawat nilalaman nito."---bogs

Isang makabagbag damdaming kwento ang muling pumukaw sa aking puso at nagmarka nang ilang makukulay na salita sa aking isip. Bagay na alam kong sapat na upang ilathala ko ito bilang isa sa aking mga blogs. Sa totoo lang, na-touched ako sa kwentong ito—dahil ako man’y maagang naulila sa ama. I was only two years old then when my father passed away. Mga blog readers, alam kong meron sa inyo ang magsasabi ng “naku, mukhang nakakainip basahin kase mahaba.Well, I can’t blame you for that. "Pero napakasimple at napakapayak ng istorya at hindi malayong maabot ng inyong puso ang bawat nilalaman nito". It was an Essay Writing winning piece about a son whose father is an OFW in Kingdom of Saudi Arabia. And here it goes------


Si Tatay...

1980 ako ipinanganak. Tatlong taon bago pinatay si Ninoy Aquino at anim na taon bago ang EDSA uprising. Taon ding ito nang nagkaroon ng malaking krisis sa langis ang buong mundo. P24.00 ang palitan ng dolyar sa piso at 48 milyon na ang populasyon ng Pilipinas. Ito rin ang taong unang pumunta ng Middle East ang tatay ko para magtrabaho.


Isang karpintero ang Tatay. Isang skilled worker. Malaki ang pangangailangan ng bansang pupuntahan ni Tatay sa mga katulad niya. Sabi ng Nanay mahirap daw ang buhay noong mga panahong iyon. Inabot na raw ang bansa ng economic depression na galing sa Europa at Amerika. Kaya minabuti ng Tatay na mag-abroad. Anupa't dalawa ang pinag-aaral niya at may bago na naman siyang bibig na pakakainin.

Parating pinapaalala sa amin ng Nanay na "nagtiis kaming magkahiwalay ng tatay ninyo para magkaroon tayo ng maginhawang buhay." Palibhasa'y parehas galing sa hirap, kaya siguro ganoon na lamang ang pananaw nila. Uuwi kada dalawang taon, tapos aalis na ulit pagkalipas ng dalawang buwan. Ganyan ang pattern ng buhay ng tatay ko.

Pumutok ang giyera sa Middle East noong 1989. Doon ko unang narinig ang mga salitang Operation: Desert Storm at Third Anti-Christ. Nandoon din si Tatay. Isang beses lamang siya nakatawag sa loob ng tatlong taon niyang pagkaka-stranded sa bansang iyon. Mabuti naman daw ang lagay niya. May tirahan naman daw sila at husto sa lahat ng pangangailangan. Hindi naman daw sila gagalawin sa giyera sabi ng embahada ng Pilipinas dahil hindi naman daw sila kasali sa awayan ng dalawang bansa at ng pakialamerong Amerika. Iyon naman pala eh, bakit ka pa rin nandyan?! Na-imagine ko na lang tuloy ang Tatay na parang isa sa mga sibilyan na dumadaan habang nakikipagbarilan ako sa larong Operation: Wolf sa SM City. Nang mahawi ang mga usok ng giyera umuwi na ang Tatay. Wala pang isang taon ay nakita ko na naman ang aking sarili na nakasakay sa arkiladong dyip para ihatid ang Tatay sa Airport papuntang Middle East. Ikaw ba naman ang magkaroon ng pinag-aaral na nurse, isang seminarista at tatlo pa sa elementarya. Kailangang kumayod, kailangang kumita.

Kung tutuusin maraming na-miss ang Tatay sa buhay naming magkakapatid, lalo na sa akin. Wala siya nang una akong magtalumpati sa entablado. Wala din siya nang grumadweyt ako ng elementarya at hayskul. Wala siya nang una akong nakipagsuntukan sa kaklase ko nang inasar ako nito habang binibigay ko ang libreng plastic na singsing na galing sa cheese curls sa kaklase kong babae. Wala din siya para turuan akong magbasketbol tulad ng ginagawa ng mga kapitbahay ko sa kanilang anak.
Wala rin siya para panoorin si Kuya na contestant sa Student Canteen at ako naman para sabitan niya ng medalya para sa mga Math competitions na sinalihan ko. Wala siya nang dumating ako sa punto ng aking buhay, na siya ring kinakatakutan ng lahat ng katulad kong nagbibinata--ang magpatuli. Wala rin siya para turuan akong maglanggas. Wala siya nang kauna-unahang lumabas ang pangalan ko sa dyaryong pang-estudyante bilang isang editor. Ipinagtabi ko siya ng mga kopya para maipagmalaki sa kanyang pagdating. Wala siya nang una akong tumikim ng alak dahil binasted ako ng dinidigahan kong babae. Wala rin siya nang sumubok akong manigarilyo at itapon ito pagkatapos ng dalawang hithit pa lang. Wala siya, wala siya parati.

Napansin ko na lamang na mas naiibuhos naming magkakapatid ang oras naming sa labas ng bahay at sa eskwelahan. Ang Ate ay kagawad ng Sangguniang Kabataan, ang Kuya naman ay matagal nang kinuha ng seminaryo, ang dalawa kong kapatid ay may mga sarili nang kina-career at ako naman ay natutuon sa aking pagsusulat.

Dumating ang isa sa pinakamasayang araw ng buhay ko, ang pagdating ng Tatay at sabihing ito na ang huli niyang uwi dahil hindi na siya babalik ulit sa abroad.

Makalipas ang ilang buwan, trinangkaso ang Tatay. Sabi ng doktor ay overfatigue lang daw at kailangan niyang magpahinga. Pagkaraan nang ilang buwan, na-diagnose na may tumubong tumor sa utak ng Tatay at malignant na ito. Minsan naitanong sa akin ng uncle kong doktor kung nauntog ba ang Tatay o nabagsakan ng mabigat na bagay sa ulo. Nahihiyang ngiti, kamot sa ulo at isang "hindi ko po alam" lang ang naisagot ko.

Kung gaano kabilis na nadiskubre ang tumor niya sa utak ay ganun din kabilis na binawi sa amin ng Diyos ang Tatay. Habang pinagmamasdan ko ang Tatay habang mapayapa itong nakahimlay noong burol niya, nahihirapang tumulo ang luha ko. Kung tutuusin, hindi ko kilala ang taong ito. Siya ang tatay ko. Kalahati ng pagkatao ko ay galing sa kanya. Pero kung tatanungin mo ako kung anong gusto niyang timpla ng kape, kung allergic ba siya sa hipon na paborito ko, kung San Miguel o Purefoods ba ang team niya sa PBA - isang malaking EWAN lang ang maisasagot ko sa iyo. Noong bata pa ako, nasa abroad ang Tatay. Kapag nandito naman siya para magbakasyon, mas malaking oras ang nagugol niya sa pag-aasikaso ng mga papeles niya para sa susunod niyang pag-alis. Nang tumigil na siya sa pagtatrabaho, ako naman ang abala sa mga reports, periodical examinations at mga research works. Nang nasa ospital na siya, kahit makipagkuwentuhan ay mahirap nang gawin dahil halos hindi na siya maintindihang magsalita dulot ng chemotherapy.

Matagal nang patay ang Tatay. Minsan nabalitaan kong dumating na ang seaman na tatay ng boss ko, pilit ko siyang pinauuwi nang maaga. Minsan ding buong kawilihan kong pinagmamasdan ang isang kaibigan ko na nagmamadali dahil baka masaraduhan na siya ng grocery. Kailangan niyang makabili ng ingredients ng spaghetti dahil 'yun daw ang bilin ng tatay niyang na-stroke. Minsan rin nang makainuman ko ang matalik kong kaibigan habang binubuhos niya sa akin ang sama ng loob niya sa pagbabalik ng tatay niya na malupit sa kanila nang mahabang panahon at ipinagpalit sila sa ibang babae. Sa tingin ko lang, "Buti ka pa nga may Tatay pa." Syempre hindi ko sinabi iyon sa kanya. Baka mamaya tanungin pa niya ako kung kanino ako kampi, kami pa ang mag-away. Minsan din sinamahan ko ang kababata ko nang dinalhan niya ng pansit ang tatay niya sa City Jail. Hindi naman sila nagtatanong kung bakit ako ganun. Wala naman silang alam kay Tatay.

Maraming pagkakataon na nanghihinayang ako dahil masyadong maaga ang paghihiwalay namin ng Tatay. Gusto kong sisihin ang Pilipinas dahil napakahirap ng buhay dito. Sa Amerika ba may tatay na nangingibang-bansa para makapagtrabaho lang? Naisip ko tuloy na sumama na lang sa mga nagpipiket na mga migrante dahil alam ko tulad ko rin sila. Kadalasan rin sinisisi ko si Saddam Hussein at ang Gulf War dahil kinuha nila ang tatlong taon sa buhay ng Tatay. Sayang ang tatlong taong iyon. Nakalaro ko man lang sana ang Tatay ng basketbol o di kaya'y naturuan niya akong mag-bike. (Beinte anyos na ko nang matuto mag-bike).

Isa sa mga klase ko sa writing ang nagpasulat sa amin ng kahit ano tungkol sa aming mga tatay, samahan pa ng larawan kung maaari. Bigla tuloy akong nalito. Hindi ko alam kung anong tungkol sa Tatay ang isusulat ko.

Ikuwento ko kaya na isang Overseas Contract Worker si Tatay. Isang bagong bayani. Nag-aambag ng malaki sa ekonomiya ng Pilipinas. Sabihin ko kayang may larawan ng tatay kong may suot na hard hat na dilaw, construction boots at may hawak na drill at kasama niyang nakangiti ang mga kapwa niyang Pilipino with matching background na disyerto. O kaya ang larawan nilang magkakababayan habang ipinagdiriwang nila ang New Year at nag-iiyakan dahil tinutugtog ang Lupang Hinirang. Ang drama no?


Kuwento ko kaya na isang survivor ng Gulf War ang Tatay. Na natutulog siya at ipinaghehele ng mga Patriot at Scud Missiles. Pakita ko kaya ang mga remembrance ng Tatay na mga dull na landmines. Adventure naman ang dating nito.

Kuwento ko kaya kung paano hindi nagpabaya ang Tatay sa pagbibigay ng pangangailangan namin. Hindi kami sumasala sa pagkain, may magagandang damit, maayos na tirahan at nakakapag-aral. Siya ay naging isang good provider. Siguro isang malalim na buntong hiningang "Haaaaaay!" ang ibibigay sa akin ng mga kaklase ko.

O di kaya'y dalhin ko ang picture ni Tatay habang kini-chemotherapy siya. Ikwento ko din kaya na naging mabilis ang lahat ng mga pangyayari. Na inoperahan siya sa loob ng walong oras at binutasan ang ulo niya. Na nakalabas pa siya ng ospital. Pagkatapos ng isang linggo, agad siyang namatay. Tragic naman ang approach ko nito.

Gayahin ko kaya ang kuwento sa telebisyon na tipong galit na galit sa mundo ang anak dahil hindi ito nabigyan ng sapat na atensyon dahil inuna ng kanilang tatay ang pinansyal nilang pangangailangan. Teka, hindi naman totoo yon eh! Napaka-unfair naman 'nun kay Tatay.

Ikuwento ko na lang kaya ang isa sa mga magagandang alaala namin kay Tatay. Apat na taon ako noon. Malinaw na malinaw pa sa alaala ko ang pangyayari. Kadarating lamang ng Tatay pagkaraan ng dalawang taon. Nagkaroon ng simpleng party sa bahay. Kainuman niya ang mga kumpare niya nang tumayo siya at binuhat ako mula sa kuna ko habang pinaglalaruan ko ang bagong matchbox na pasalubong niya sa akin. Inutusan niya ako na ikuha siya ng beer sa refrigerator. Pagkakuha ko ng beer ay kinandong niya ako at buong pagmamalaki na ibinida sa mga kumpare niya na natanggap na raw ako sa local na Day Care Center dahil abot na ng kanang kamay ko ang aking kaliwang tenga kahit idaan pa sa ibabaw ng ulo ko at matatas na ako magsalita at madali raw akong matuto. Matagal din akong nanatili sa pagkakandong niya. Mistula siyang bagong dating na hari na suot-suot ang kanyang korona. Ako ang kanyang korona.

Kapag naaalala ko ito, napapawi ang lahat ng panghihinayang ko sa mga taong kailangan niyang magtrabaho at mawala sa piling namin. Mga panahong kasama ng mga tatay nila ang mga anak nila. Ito na lang ang isusulat ko. Bago ang lahat, pupunasahan ko muna ang mga luha ko at ang patulo ko ng sipon. Baka mapatakan pa ang keyboard ng computer at ang hawak kong picture. Picture ng isang paslit na may hawak na bote ng beer habang kandong ng tatay na kitang-kita ang kasiyahan sa mukha.


MY STAND:

Maging gabay sana ito sa lahat---tatay ka man, ina, o anak. Malaking bahagi ng ating pamilya ang nakasaalang-alang sa bawat nating paglisan at pagtanggap ng hamon bilang mga OFWs. Maraming dapat isakripisyo. Maraming dapat pansamantalang bitiwan--kasama na ang mga oras na dapat ay nakalaan sa ating mga pamilya. Kahanga-hanga ang mga kasamahan nating OFWs, hindi ba? Masakit para sa atin ang ganitong sitwasyon---ngunit patuloy nating tinitiis dahil para sa atin, wala nang mas mahalaga ngayon kundi ang makitang nasa maayos na kinalalagyan ang ating mga pamilya---malungkot...masakit...pero may pusong sumisimbolo sa kagitingan ng mga OFWs saan man sa mundo!!!

Monday, July 19, 2010

Flush the Toilet

“Proud kami sa inyo at dapat maging proud din kayo sa sarili ninyo…”---bogs

babababababa

Ayon kay Gene Fowler, isang biographer at journalist, “Writing is easy. All you do is stare at a blank sheet of paper until drops of blood form on your forehead.” ---ganun naman pala e!—kung gusto mong maging writer, kumuha ka ng pako at martilyo at itusok ito sa iyong noo. Hindi mo na kailangang magpakahirap—siguradong sandamakmak na dugo ang tutulo at malamang mahigit sandaang akda rin ang maisusulat mo!

babababababa

Minsan kumain ako sa Golden Fork Restaurant sa may Khalidiya St. malapit sa Sheraton Hotel kasama ang mga kaibigan ko. Second time ko---may mga masasarap na pagkaing Pinoy—meron din namang hindi--tulad ng nilagang baka na animo’y binanlian lang ng maligamgam na tubig. Hindi naman talaga iyon ang kapansin-pansin. ‘Yung lady service crew na nagtatrabaho doon. She doesn’t even care to smile. Nakagusamot ang mukha habang nagse-serve. Binibiro mo na---hindi pa rin ngumingiti. Ewan ko nga ba kung bakit sa lahat halos ng kainang pang-Pinoy dito sa Abu Dhabi, bihira lang ang makikita mong approachable at palaging nakangiting babaeng service crew. Paalala po sa inyo—walang bayad ngumiti kabayan! Kung iniisip ninyo na minamaliit namin ang trabaho ninyo—nagkakamali po kayo. Proud kami sa inyo at dapat maging proud din kayo sa sarili ninyo. Huwag po ninyong iisipin na porke ‘yan ang uri ng trabaho ninyo ay bababa na ang tingin sa inyo ng mga kapwa natin Pinoy---pantay-pantay tayo dito dahil pare-pareho tayong nagtatrabaho ng marangal para sa ating mga mahal sa buhay.

babababababa

Minsan, nahuli ako ng boss ko na naglalaro sa computer ko. Nagkataong walang internet connection noon kaya apektado ang sistema ng trabaho. Hindi lingid sa kanyang kaalaman na wala naman talaga akong maaaring gawin maliban sa maglaro o magpanggap na lang na may ibang ginagawa. Pero ganun pa man, hindi ko pa rin naiwasang makaramdam ng hiya dahil naglalaro lang ako sa oras ng trabaho at pagkatapos ay susuweldo ng buo sa katapusan. Parang na-guilty ako. Iba pala ang pakiramdam kapag boss mo na ang nakakakita sayo habang naglalaro ka sa oras ng trabaho. Nakakahiya. Hindi ko naman pwedeng sabihin na, “Sir, halika dito, laro tayo, try mo po oh!”. Actually, hindi ko iniisip kung anong pwede niyang isipin sa mga oras na iyon dahil una sa lahat, alam kong nauunawaan naman niya. Sa hindi ko malamang dahilan, ay ramdam na ramdam ko na hindi lamang ako sa kanya napahiya kundi maging sa sarili ko. Nahiya ako dahil parang naglaho ang isang uri ng respeto na dapat ay ibinigay ko----at iyon ay ang respeto sa kanya bilang boss. Para akong naging isang batang paslit. I’ve somehow lost the sense of my professionalism. Sa ngayon, hindi ko pa din maiwasang maglaro minsan lalo na at dinadapuan ako ng sobrang antok. Sabi ko, ‘yae na, may Alt+Tab keys naman…

babababababa

Naranasan na ba ninyong makaamoy ng hindi kaaya-ayang amoy habang gumagamit ng banyo (comfort room, wash room, bathroom, so forth…?) Ako? Oo. Kani-kanina lang at iyong iba pa ay hindi ko na mabilang. It’s a different kind of thing---I mean it’s not that “amazing but worst hygiene pandemic” na amoy ng mga Pana at Patan. Mas malubha pa sa isang bubonic plague kung tutuusin---I am just exaggerating it, huh!Pero seryoso, may mga taong walang pakialam sa mga makakaamoy ng “f***” nila. Minsan nga habang nasa CR ako, ang baho talaga as in. Daig mo pa ang nakakulong sa kadiring closed-door smoking area ng Abu Dhabi International Airport at nalulukuban ng sangkatutak na usok ng yosi. Well, needless to say, kung ayaw mo na maamoy ng iba ang “f***” mo, try mo kayang i-flush kaagad ang trono. Everytime na alam mong may lumabas na at pumatak na ito sa reservoir, huwag ka nang tamading pindutin ang flush kaagad para hindi na dalhin ng hangin ang amoy ng kadiri mong “f***”. Anyway, nasa tabi o nasa likod mo lang naman ang flush more or less. Be responsible naman. Ok lang sana kung ikaw lang ang makukulob sa amoy niyan. Paano naman ‘yung iba, hindi ba? Social responsiveness. Malaki ka na—paganahin mo naman ang sensitivity mo my friend….(my friend ang tawag ng mga Pinoy sa bawat ibang lahi na nakakasalamuha dito sa UAE (hindi ko lang sure kung ganito din sa mga bansa ng iba nating mga kapwa OFWs)---mukhang isang “my friend” ang laging gumagawa ng ganito sa banyo ng opisina kase ang Pinoy, ismarte ‘yan mag-isip. Nagfa-flush kaagad. Sensitive at socially responsible. Hindi kase sila Pinoy e kaya ganyan sila umasta! More power sa mga responsableng Pinoy saan man sa mundo…magflush kayo ha!!!

babababababa

Mukhang sinasalubong na nang samut-saring problema ng bayan si Pangulong Noynoy Aquino ngayon pa lang. Nanood ako ng mga pangunahing balita sa ABS-CBN (no offense meant sa mga maka-GMA---ako naman e kahit anong istasyon---nagkataon lang na ito ang una kong nabuksan sa site na pinapanooran ko). Problema sa tubig ng kalakhang Maynila. Ang kanyang magiging kauna-unahang SONA na ayon sa mga aktibista/repormista ay may temang “overkill” daw ang gagawing pagharang ng mga miyembro ng kapulisan sa kanila kung sakaling sumiklab ang gulo habang isinasagawa ito. Ang pagbusisi sa mga kahina-hinalang aktibidades ng PAGCOR. Si Basyang. Ang PAG-ASA at ang mga bulok na facilities nito… etc. etc..Hindi na bago sa ating pandinig ang mga ito, hindi ba? Dapat e well-anticipated na ito ng mga political analyst at ng mga personal na tagapayo ng ating Pangulo. ‘Yun nga lamang---sana….may solusyon at hindi puro analysis lang dapat…Ayaw ko munang husgahan ang Pangulo sa ngayon dahil wala pa naman siya talagang napapatunayan. We’ll see after his very first State-of-the-Nation Address---baka sakaling may magbabago nga. Oo nga pala, right after Mr. Aquino’s inauguration, I was invited to join sa isang malawakang job fair dito sa Abu Dhabi. Ayon sa bulung-bulungan, joint project daw ito ni Pangulong Aquino at ng UAE Government (“go-nar-ment”---kapag Indiano o Pakistano ang kausap mo at hindi ko alam kung saan nila napulot ang pronunciation na ito!) para sa mga OFWs dito sa UAE. Ang masaklap—hindi ako nakapunta sa job fair…Tsk..tsk…tsk…

babababababa

I received an informative e-mail kuno’ noong isang linggo mula sa isang close friend ko na Indiano na si Hanif Deshmukh. Based on the e-mail, bakit daw hindi malimit inuulan (umuulan din po dito, ‘yun nga lang bihirang-bihira) ang Middle East kumpara sa ibang mga bansa gaya ng mga nasa Europa. ‘Yung mga nasa larawan daw ang makapagpapaliwanag ng sagot. Well, no kidding aside, kasalukuyan ko pang inaalam kung anu-ano ang mga siyentipikong basehan kung bakit nga ba saksakan at nuknukan ng init dito sa Gitnang Silangan. Alam naman natin na may paliwanag dito pero dahil limitado ang paggamit ko ng internet connection dito sa opisina---sa bahay ko na lang gagawin at babalitaan ko kayo.

babababababa

“I shall return.

----Gen. Douglas McArthur


“Parenthetical remarks (however relevant) are unnecessary.”

----Frank L. Visco

Saturday, July 17, 2010

9000 days (OST of Invictus movie)

Invictus (Unconquered)

“isang true-to-life na kwento at pelikula ang kumalampag sa aking mga kamay upang hagilapin ang aking panulat at isang pirasong papel at muling ikampay ito sa pilantik ng kanyang kumpas.”----bogs

It was one of my Fridays when I saw this movie on the desktop of my laptop. Frankly speaking, I am not an avid fan of any non-karate or non-kung fu movies. Well, needless to say, among all other movie genres circulating in our modern world, these genres really fascinate me. Jackie Chan. Jet Li. Chow-Yun-Fat. Mga batang kalbo na nasa templo at nag-aaral ng kung fu kasama ang mga masters nila..etc..etc...Hindi na nakapagtataka kung bakit kinahiligan kong manood ng mga pelikula sa naturang tema. Noong bata pa ako, palibhasa’y walang sariling tv set sa bahay ay nagkakasya na lang kaming makipanood sa kapitbahay. Kalimitan, isa hanggang dalawang channels lang ang naaabot na reception ng mga idiot boxes na ito sa aming lugar dala na rin ng kalibliban nito. Malayo sa kabihasnan. Minsan lang makakita ng sasakyan. Buti na nga lamang at may napagtitiyagaang black and white na tv at transistor radio. Sa madaling salita, mahilig manood ang kapitbahay namin ng mga pelikulang may temang nabanggit. Doon nagsimula ang pagkahilig ko sa mga pelikulang gaya nito. Mula noon hanggang sa ngayon na may sarili na kaming telebisyon sa bahay, mainit pa rin ang pagkahaling ko sa mga karate at kung fu movies. Subalit dala na rin ng pagbabago ng panahon ay unti-unti kong natanggap na hindi lamang ito ang genre ng mga pelikula sa mundo. May drama. May bakbakan(action). May comedy. May sci-fi pang tinatawag. May adventure. etc..etc…Iba-ibang klase ng pelikula. May happy ending. Minsan bitin. Namatay ang bida o kung hindi man’y may tama ng bala sa balikat o kung saan man. Darating ang mga pulis pagkatapos ng labanan ng mga bida at kontrabida. Huhulihin si bad guy na may tama rin ng bala ng baril o kung hindi man’y bugbog sarado sa magilas na bida. Tipikal na istorya na may tipikal na wakas.

I copied two movies Thursday afternoon and one of that is the G-Force I’ve watched earlier, a story of four guinea pigs and a mole who have been deliberately snatched by an FBI agent to be trained as special agents on a special mission. Kapana-panabik panoorin hindi ba? Mga pesteng special agents na tutulong sa mundo upang maisalba ito sa isang malaking technological destruction. I’ve watched it at nag-enjoy ako. Natapos ko ang pelikula malapit ng maghatinggabi. Hindi pa ako dalawin ng antok kaya tinangka kong panoorin ang isa pang pelikula na nasa aking desktop that time. Invictus? Sa totoo lang, basta hindi ko trip at hindi ko agad naintindihan ang titulo ng pelikula ay hindi ko na pinag-aaksayahan ng panahong panoorin. Para sa akin, title makes sense. Invictus--what a word!Hindi ko agad naapuhap ang kahulugan. Naalala ko tuloy when I was watching a “Who wants to be a Millionaire” episode hosted by Vic Sotto sa Channel 5 with guests Amy Perez and her kid, may isang tanong tungkol sa pamagat ng tulang may pamosong linya na ganito:”I am the master of my fate; I am the captain of my soul”. Mali ang naisagot ko noon kaya tumatak sa aking isip ang pamagat ng tulang iyon. Invictus...Invictus…

Out of the night that covers me,
Black as the pit from pole to pole,
I thank whatever gods may be
For my unconquerable soul.

In the fell clutch of circumstance
I have not wince nor cried aloud.
Under the bludgeonings of chance
My head is bloody, but unbowed.

Beyond this place of wrath and tears
Looms but the Horror of the shade,
And yet the menace of the years
Finds and shall find me unafraid.

It matters not how strait the gate,
How charged with punishments the scroll,
I am the master of my fate:
I am the captain of my soul.

The movie was directed by Clint Eastwood in 2009. Starring Matt Damon as François Penaar, Springboks Rugby Captain and Morgan Freeman as Nelson “Madiba” Mandela, a reformist and was elected President of South Africa during his time. Isang kakaibang kwento. Kwento ng kabiguan at muling pagbangon. Kwento ng pagpapatawad at pagpapakumbaba. Kwento ng isang bilanggo na bumago sa imahe ng isang bayan bilang tagapamuno nito. Isang Pangulo sa mahigit apatnapung milyong kababayan. Isang asawa. Isang ama. Isang kwento na may hindi matatawarang aral. Isang pagbabago.

Alam kong may mga nais magtanong sa inyo kung bakit tila naiba ang kwentong tinatalakay ko-- lihis sa tema ng aking mga blogs. Ang pagiging OFWs natin ay nag-uugat sa ating mga pinagmulan. Kung mayaman ba ang Pilipinas magkakandarapa ba tayong umalis at iwan ang ating mga pamilya? Kung malaki ba ang sinusweldo natin sa Pilipinas, maghahangad pa ba tayo ng mas malaking sahod?Kung mabubuhay ba tayo ng matiwasay sa Pilipinas, magpapakamatay pa ba tayo sa pagtatrabaho dito sa ibang bansa? Hindi. 'Di ba? I am not saying this to offense the current situation of our nation. Hindi pa lang ako siguro kumbinsido na maaari na akong mabuhay ng maayos at matiwasay sa aking lupang sinilangan. Hindi pa. Hindi pa sa ngayon at hindi ko rin tiyak kung kailan.

The story began on the leadership of Madiba (Freeman), as what he wants his South African colleagues call him, upon seeing himself out of that junked cell in Robben Island Prison off Cape Town after 30 long years. Hindi naging madali sa kanya at sa mga taong nakapaligid sa kanya na tanggapin na isang dating repormista at bilanggong tulad nya ang magpapatakbo sa kanilang bansa. Sa mga unang araw nya sa Kapitolyo ay naramdaman nya ang mga pagdududa at paghihinala sa kakayahan nyang mapamunuan ang isang noo’y naghihingalong bansa---ang South Africa. Corruptions. Financial instabilities. Economic recessions. Famine. Poverty at ang lumalalang kaso ng racial discriminations, bigotries and prejudices. Balancing black aspirations with white fears. Ito ang ilan sa mga pinakamalalaking naging hamon kay Madiba sa panahon ng kanyang panunungkulan.

Tuwing umaga, bahagi na ng kanyang routine ang mag-jogging kasama ng mga personal bodyguards niya and he always keeps on asking each of them—“good morning my son!” “how are you today?””how’s your family?”---and one time when one of his bodyguards ignorantly and unintentionally returned him back the question “how is his own family?” (usually he’s not entertaining questions regarding his real family for he and his wife got separated together with his daughter long before he was put into jail)—but he uttered, “I have a very big family, 43 million Africans....” May himig ng lungkot ang kanyang mga salita ng umagang iyon sapagkat, sa kabila ng kanyang kaanyuang pisikal na pinahikbi ng mahabang taon niyang pagkakabilanggo ay nakaatang sa kanyang mga balikat ngayon ang muling paggising sa nakalugmok na Timog-Aprika.

Well, ilan lamang ito sa mga mahahalagang salita na napulot ko sa kwento at nais kong ibahagi sa inyo. Ang ilan pang mga nangyari ay maihahalintulad natin sa mga pinagdaanan ng ating sariling bayan. Isang malaking respeto at suporta ang ibinigay ni Madiba sa Springboks Team (na pinamumunuan ni François Penaar (Damon) at kinatawan ng South Africa sa World Rugby Cup) sa kabila ng mga dinanas na usapin tungkol sa pagkondena sa nasabing rugby team. Dahil sa maayos na pagpapaliwanag, nanatiling kinatawan ng bansa ang Springboks. Nagsanay sa kakaibang dimensyon. Nilagyan ng puso ang bawat laro. Hindi mapagmalaki. Mapagpakumbaba. Inspirado sa iwinawagayway na bandila ng sariling bayan kasabay ang himig ng kanilang pambansang awit. May damdamin. Nagkakaisa ang puso at isip. Sa huli, nagwagi at tinanghal na kampeon. Ayon kay Madiba, rugby is a human and not a political calculation. Isang bagay na makapagpapanumbalik sa kumpiyansa at tiwala ng mga kababayan sa sariling dignidad at kakayahan.

Naisip ko tuloy kamakailan habang nakikipaglaro kay kamatayan sa larangan ng boxing ang ating pambansang kamao na si Manny Pacquiao para sa sarili at sa bayan. Katulad ng Springboks, sa tuwing may laban ang team o kung si Pacman man---walang masyadong makikitang tao sa lansangan---nakatutok ang bawat isa sa kani-kanilang telebisyon ---tanging mga hayop lang ang mapapansin mong siga sa mga daan---tahimik ang buong paligid---day off ng mga masasamang loob dahil maging sila ay tagahanga din ng kanilang iniidolo. Sa madaling salita, tumitigil ang mundo ng mga tao at pansamantalang nauulinigan ang bawat patak ng karayom sa kapaligiran. Simbolo ng taos-pusong suporta. Larawan ng pagkakaisa. Higit pa sa pag-idolo kay Pacman ang hatid ng mga pangyayaring ito. Isang matibay na pundasyon na hindi lamang dapat manaig sa isip at puso nating mga Pilipino. Hindi kailangan ng anumang patak ng dugo upang maipakita natin ang pagkakaisa. Hindi kailangan ng anumang titulo upang maipakitang kaya din nating maging kampeon.

I am neither a political analyst nor a law expert pero alam kong may isang paraan tayong magagawa upang maiangat ang ating bayan sa lusak ng kahirapan tulad ng South Africa. Sabi pa ni Madiba, “ how do we inspire ourselves to greatness when nothing less will do? How do we inspire everyone around us?”Walang imposible sa isang pinuno kung nasa puso niya ang hangaring maabot ito. We are counting on you, Mr. President. Sana wala ng OFWs. Sana mabuo na ang bawat pamilyang winawasak ng mapaglarong pagkakataon. Sana makabalik na kami sa Pilipinas. Kung bayani man kaming ituring--- salamat. Ngunit mas magiging masarap damhin sa puso kung kami mismo ay magiging bayaning nakatapak sa sariling bayan---“we will be the masters of our fates..the captains of our souls!”----Mabuhay tayong mga OFWs!