Wednesday, July 28, 2010

Homesick o HomeSEKS?

Ako, natutuyo lang ang isip dahil walang anumang pressure sa trabaho samantalang sila, natutuyo ang pawis sa pagal na katawan kasabay ng pagkatuyo ng dignidad na patuloy na minamaliit at pinagsasamantalahan ng mga mas nakaaangat.”---bogs

abababababababab

Ano bang iisipin ko? Ah oo. Mag-iisip ako ng susunod na blog. E, anong sunod kong isusulat? Bahala na. Basta ang alam ko, ilang araw na rin ang lumipas mula ng matapos ko ang aking pinaka-latest na blog. [buntong hininga sabay halumbaba-----hirap nga pala magsulat!]. Hindi basta isang simpleng gawain lang na kapag may simpleng procedure ay magagawa mo na. Ang pagsusulat---walang pinipiling panahon at pagkakataon. Pabigla-bigla. Walang pasabi. Parang ulan---hindi mo mawari kung kailan hihinahon at titila. Parang buhay---hindi mo alam kung kailan ka nasa ilalim—kung kailan ka nasa ibabaw. Pero ang laging sigurado---may araw na sisikat sa umaga at magsisilbing liwanag sa mga nagdidilim na bahagi ng ating buhay.

abababababababab

Kahapon, umabot sa mahigit singkwenta ang temperatura dito sa Middle East. Ramdam na ramdam ko ang bawat kagat ng hangin sa aking balat kahit na ilang minuto pa lang akong nasa labas ng opisina. Naisip ko lang, paano kaya kinakaya ng mga laborers ang kanilang trabaho na mas lalong pinabibigat ng mala-impyernong init ng panahon? Marami sa hanay nila ay mga Indiano at Pakistano. May ilang Pinoy pero ang sigurado lahat sila ay pangkaraniwang tao na may pangkaraniwang balat at kasabay ko’y pare pareho naming nararamdaman ang kakaibang init dito sa Disyerto. 600 na dirhamo ang karaniwang sahod ng mga manggagawang tulad nila. Pumapatak sa 7,000 piso ang katumbas kung ico-convert sa Philippine Peso sa loob ng isang buwan. Hindi ko alam kung makatarungan pero patuloy nilang tinitiis at pinagtitiyagaan sa iba’t-ibang kadahilanan. Na-guilty na naman ako, mga blogreaders. Kung nabasa ninyo ang mga nauna kong blogs, nagsesentimyento ako dahil sa uri ng trabahong meron ako. Naisip ko, dapat pa pala akong magpasalamat. “Ako, natutuyo lang ang isip dahil walang anumang pressure sa trabaho samantalang sila, natutuyo ang pawis sa pagal na katawan kasabay ng pagkatuyo ng dignidad na patuloy na minamaliit at pinagsasamantalahan ng mga mas nakaaangat.”

abababababababab

Homesick? HomeSEKS? Ano nga ba? Gaano nga ba kahalaga ang seks sa buhay ng tao lalong lalo na sa buhay ng mga OFWs? Marami na akong nakausap na mga Pinoy ukol sa sensitibong bagay na ito. “Kesyo nakaka homesick daw kase”. “Kesyo nakaka-miss daw kase ang mga asawa at syota nila”. “Kesyo masarap daw kase”. Totoo kaya ‘yun?O, patuloy lang silang nililinlang ng demonyo? A demonic intuition na nagpapataas sa libido ng mga tao upang gumawa ng mga bagay na hindi kaaya aya sa mata ng tao at sa mata ng Diyos. Marami ng nagkamali dahil sa kalibugan (act of lust or lasciviousness) [no offense meant for the usage of this word] . Isang halimbawa, isang lalaki, may asawa at mga anak sa Pilipinas—nakabuntis ng kapwa OFW, ang resulta, nagbunga ng isang batang walang kamuwang muwang. Dalawa lang ang magiging opsyon ng babaeng OFW kung sakaling siya ay mabuntis. Una, umuwi sa Pilipinas, mawalan ng trabaho, ipaliwanag ang nangyari sa pamilya at tanggapin ang kahihiyan. Pangalawa, ipalaglag ang bata, ipagpatuloy ang pagtatrabaho at muling gawin ang kasalanan. Maraming mga ganyang kaso dito sa Middle East at hindi malayong maging sa iba pang mga bansa. May sari-sarili daw silang kwento. May sari-sarili daw silang dahilan. Pero ano pa man ang mga dahilang iyon, hindi ako kumbinsido sa mga gawaing tulad nito---gawaing baluktot at gawaing walang sapat na rason---larawan ng kataksilan at kahinaan.

abababababababab

Sinong nakapanood na ng kauna-unahang SONA ni Pangulong Aquino? Don sa mga hindi pa, better watch it right here http://triviabizonline.blogspot.com/p/sona-aquino.html. I am not a politician critic pero ang simpatya ko ay hindi madaling makuha. Sinseridad ang malimit kong pinagbabasehan sa pagkilatis sa lahat ng taong kilala at nakakasalamuha ko. Madaling maniwala sa mga sinabi nya. We’ll, no kidding aside, mas malaking porsyento ng konsensya ko ang naniniwalang may katotohanan ang mga sinabi nya dahil ito ang sinasabi ng konsensya at puso ko. Nakita ko ang sinseridad niya hindi bilang isang Pangulo kundi bilang isang tao. Kung totoo man ang mga sinabi nya (only if I could’ve the chance to conduct my own concrete investigations, lolz!) aba e mahiya naman talaga ang mga gumawa niyan. Hindi nyo ba alam na maraming mga maralitang Pilipino ang nagbabayad dahil sa inyong kasakiman? Hindi nyo ba alam na ang ugat ng pagiging mga mandarayuhan (OFW) namin ay ang inyong kalapastanganan sa kaban ng bayan? Ang Pilipinas ay hindi para sa mga pangarap nyo lamang. Ang Pilipinas ay hindi lamang bayan ninyo---bayan din namin, bayan nating lahat. Sana, mawakasan na ang bawat pagsasamantala sa mga Pilipinong umaasa ng lubos sa kanilang mga tagapamuno. Nagtiwala sa panahon ng eleksyon dahil nangangarap sila na isang araw ay bigla na lang mag-iiba ang ihip ng hangin---na isang araw, wala ng Pilipinong mahirap---na isang araw, wala ng OFW------na isang araw, wala ng pangarap ang hindi kayang tuparin.

Kasihan nawa tayo ng Poong Maykapal.

No comments:

Post a Comment