“Mas masarap palang makitang tumutulo ang pawis mo dahil sa pressure kesa natutuyo ang utak mo when there is no pressure at all.”-----bogs
It was mid July in the year 2008 when I was cajoled to resign in my job in Sta.Rosa, Laguna as an accountant. It is an overwhelming opportunity to work with a Japanese working milieu wherein too much pressure exists. I was holding a contractual position way back 2005 and was absorbed after a year. Hindi ko lubos maisip na matapos naming ipaglaban ang karapatan ng mga manggagawang Pilipino laban sa contractualization (ayon sa batas, karapatan ng bawat manggagawang Pilipino ang mabigyan ng isang patas at matatag na trabaho) noong nasa kolehiyo pa ako ay heto ako at naging larawan ng karaniwang Pilipino na pinipilit lunukin ang kinasadlakang sitwasyon. Hindi ko mawari kung ano nga ba ang tunay na dahilan ng mga pangyayaring ito. As far as I am concerned, I am a Bachelor Degree holder with an Accountancy & Law Major from one of the most promising Universities in the Philippines. Minsan sumasagi sa isip ko na, hindi kaya dahil sa hindi ko pagkuha ng CPA Board Exams? I am not a Certified Public Accountant at aminado ako doon. Nangarap ako noon na maging isa sa mga premyadong CPA’s ng bansa. Pero nabigo ako ngunit hindi sumuko. Dahil sa kawalan ng pera at dahil na rin sa matinding pangangailangan ng pamilya para mabuhay, mas pinili kong magtrabaho upang makatulong. Isang mabuting kaibigan ang noo’y nagtatrabaho sa isang job agency sa Laguna ang nag-alok sa akin ng mapapasukan. Nagdalawang isip akong tanggapin ang offer na iyon dahil pilit ko pa ring kinakapa ang pride ng aking sarili. Nahirapan akong magdesisyon sa mga oras na iyon dahil kasabay nito’y kinakapa ko din ang aking bulsa---may ilang barya ngunit malapit ng maubos. Sa madaling salita ay tinanggap ko ang trabaho kahit labag sa loob ko. Sabi ko sa sarili ko, maa-absorbed din ako! Iyon ang pinanghawakan kong pag-asa upang madali kong matanggap ang hamong ito. Wala namang naging problema sa mga naging kasama ko sa opisina. Sa katunayan, itinuring nila akong regular na miyembro ng team at parang nakakabatang kapatid na din dahil sa aking murang edad. Masaya ngunit dumadating din ang oras na parang gusto ko ng sumuko. Dahil sa 5’s (isang acronym na ginagamit ng mga Hapon bilang pantukoy sa mga agresibong polisiya tungkol sa antas ng pagtatrabaho sa larangan ng kaligtasan at kapaligiran) naranasan kong magbuhat ng mga peerless boxes na may lulang mga files at documents. Mula sa ikalawang palapag ng aming opisina ay binubuhat ko ang bawat kahon, utay-utay na babagtasin ang makipot na hagdanan sa likod—sabay lagay sa push cart—sabay tulak papunta sa store room. Mabigat. Mahirap. Mainit. Parang kargador. Parang delivery boy. Malimit sumakit ang likod ko dahil sa walang habas na pagbubuhat siguro. Ngunit ganun pa man ay hindi pa rin ako natinag sa mga naranasan kong iyon. Mas naging matatag ako. Mas tumapang. Mas naging determinado. Walang oras na hindi ko nirerebisa ang mga dokumento at papeles na pinagsusumikapan kong i-file isa-isa sa gitna ng mainit at maalikabok na store room. At matapos ang mga pagtitiyaga na iyon, I was absorbed as a regular team member of the company after a year.
Pansamantalang naging mahinahon at namahinga ang aking isip. Huminga ng malalim. Nag-isip. Masarap nga palang maging regular na empleyado. Samut-saring benepisyo kasama na ang respeto na noon ay may pag-aalinlangan pa nilang ibinibigay. Ang dating binabayarang “pasta’”(ngipin), ngayon ay libre na dahil sa health insurance card. May hamon at groceries na rin tuwing Pasko. Hindi mo na kailangang magpa-awa para lang isama ka sa Summer Outing dahil may libre ka ng tatlong tickets para sa sarili mo at sa mga nais mong personal na isama. Hindi mo na kailangang maglaan ng allowance para sa pagkain at pamasahe kada sweldo dahil lahat yun ay kabilang sa benepisyo ng kompanya. Kung contractual ka, on and off ang pagsakay sa shuttle service. Tititigan ka ng hindi maganda ng mga regular na team members (knowing na sila ‘yung late dumating sa hintayan ng shuttle service) kung makitang ikaw ay naka-upo at naunahan mo silang sumakay. Kapag reklamador ang t/m, umasa ka, magiging issue na ito sa trabaho dahil siguradong magco-complain ang mga reklamador na gaya nila. Kesyo dapat nakatayo ang contractual at mas nauunang sumakay dapat ang mga regular na t/ms. In short, pagdating sa shuttle service, contractuals are of least priority. I am not against those people who are making the same manner and I would rather suggest each company to at least, provide a better working policy for the contractuals who used to devote their precious times and efforts too, as contribution to the success of your organization. Minsan ko na ring ginalawan ang mundong mayroon sila. Gumulong-gulong. Tumakbo-takbo. Minsan’y naiiwan ngunit nakakahabol sa rumaragasang takbo ng shuttle service.
I was a regular team member for almost 3 years bago ko naisipang makipag-sapalaran sa Middle East. Being a regular employee is not as easy as I thought it was. Sinisigawan. Pinagdududahan ng Manager. Pinapagalitan. May motivation “daw” ngunit kulang. Sobra-sobrang overtime. Kabi-kabilang pressure. GAE-MOH analysis. Bakit tumaas? Bakit bumaba? Nalimutan ang accruals? Reclass. Reclass. Nakaka-torete maging accountant. Nakaka-pressure. Nakakasawa. Lumipas ang mga araw. Ang mahirap ngunit masasayang pagsasama ay nabahiran ng lungkot at takot. Lungkot dahil isa-isang nagsipagbitiw ang mga kasama ko sa team. Takot, dahil sa aming pito, ako lang ang naiwan. Walang natira sa GA (General Accounting) Section maliban sa akin. Halos pansamantala kong sinalo ang lahat ng trabaho maging ang noon ay naghihingalo at pilit pinakikisamahang accounting software. Fixed Assets. Ang FA lapsing schedules na hindi tama ang balances sa ledger. Accounts Payable. Cash Management…etc. etc. Ayaw ko mang sabihin ngunit malayong malayo ang software na ito sa ibang mga nakita at nagamit kong accounting softwares. Sabi ng mga consultants user-friendly daw ngunit para sa akin, isa itong malaking bangungot sa kompanya. Sikat daw ito kahit sa ibang bansa pero hindi siguro sa Middle East dahil sa dalawang taong itinagal ko dito sa UAE ay hindi man lamang ako nakakita ng isa mang kompanya na naghahanap ng marunong gumamit ng accounting software na ito. Malaking bahagi ng buhay ko ang napabayaan dahil sa mga oras na inilaan ko sa trabahong ito. Unti-unti nang nalalagas ang panahon. Lumilipas ang mga oras. Tanging isang TV set lang ang naipundar ko dahil sa pagtatrabaho. Sobrang pagod. Sobrang pressured. Kakarampot na sweldo. May appreciation pero hindi sigurado kung nasa puso. Ang Excellent (E) para sayo na performance appraisal rating ay Very Good (VG) lang sa kanila. Crab mentality. Pagalingan. Matira ang matibay.
Mahina yata ako kaya mas pinili kong mag-resign at humanap ng isang mas maayos na working environment. Tahimik. Walang pressure. May tiwala sayo ang Boss. Bibigyan ka ng challenging na trabaho. Maaayos na officemates. Kaaya-ayang kapaligiran. Nagkaroon ako ng pagkakataong makapag-trabaho sa Abu Dhabi, UAE bilang isang accounts assistant sa isang steel fabrication company. Kahit salat pa sa kakayahan at experience, mas minabuti kong iwan ang ‘Pinas para makipagsapalaran sa bansa ng mga Arabo tulad ng marami. Unti-unting kinagat ng init ang aking balat matapos kong lumabas sa prestihiyosong International Airport ng syudad. Ganito pala dito. Mainit nga. Sumisinip sa buto. Hindi maipaliwanag ang init na sumasayaw kasabay ng hangin. Minabuti kong hindi pansinin ang mga bagay na ito dahil nais kong ituon sa pagtatrabaho ang aking isip. I was given a chance to work in the company’s Finance Department directly reporting to the CFO. Sa una, exciting. Nakaka-challenge dahil bagong trabaho. Bagong kasama sa office. Iba-ibang lahi. Nariyan sina “Itik” at “Pana” (mula sa bansang India) at “Patan” (mula sa bansang Pakistan). Each has their own unique respects and shares an amazing but worst hygiene pandemic. Ang dakilang amoy ng Middle East. Llamado ang hindi kaaya-ayang amoy na dulot ng mga hindi mo mawari kong natural na o natuyong bulok na pawis sa katawan nila. Tiisin. Tiniis.Tinitiis hanggang sa ngayon.
Noong nasa Pilipinas ako at sobra sobra ang trabaho, hiniling kong makakita ng trabahong kabaligtaran ng aking mga nararanasan. Dumating. May eksaktong trabaho na may ganitong katangian. Maaring huwad ngunit mapag-anyaya. Hilaw ka man daw isalang sa baga, siguradong maluluto at maluluto ka din. Sisiw lang ang trabaho. Kakayanin ng dalawa hanggang tatlong oras ang isang all-day round na trabaho. Pero kahit ganun ang sitwasyon, kailangan pa ring magpakitang gilas upang mabigyan ng mas maayos na trabaho kung saan one can be able to achieve self-actualization in a mutually beneficial milieu. Maraming araw ang lumipas. Lumamig at muling nagliyab ang disyerto. Hindi ko inaasahang malaki ang magiging tiwala ng Boss ko sa akin. I was promoted and demoted. Promoted dahil naging Supervisor ako ng isang team with one “Pana” at tatlong staffs na Pinoy. Demoted dahil Supervisor ako ng Logistics Special Monitoring and Control Section at hindi ng of any accounting related department apart from my expectations. Boring ang position. It was quite challenging at first but as time passes by, nararamdaman ko ang kakulangan. Kakulangan sa kaalaman at pagkawala ng isang matibay na pundasyon ng sariling dignidad. Malayo sa aking hinagap. Ramdam ko ang pangangailangan sa akin ng kompanya ngunit kapalit nito ay ang paglihis ko sa aking field of expertise. Nakakabagot nga pala kapag pinipilit mong gawin ang isang bagay na labag sa iyong kalooban. Hindi nakakatuwa. Nakakasawa. Dito ko mas nakilala si Code Name FB. Facebook. Dahil sa mga nalalabing oras kada araw, wala kang ibang choice kundi ang magbutingting ng mga applications sa internet. Friendster. YahooMail. Google. Youtube. etc.etc. Kung ganito ang tema ng trabaho mo araw-araw, magsasawa ka din. Masaya sa una ngunit darating ka din sa puntong mararamdaman mo ang kakulangan. Mula sa literal na kawalan ng ginagawa at pwedeng gawin na may relasyon sa trabaho hanggang sa paglihis sa nais mong maging ay mananariwa ang mga katagang “sana may pressure na lang ulit. Mas masarap pala na makitang tumutulo ang pawis mo dahil sa pressure kaysa natutuyo ang utak mo when there is no pressure at all.”
No comments:
Post a Comment